
Inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na hindi habang-buhay na magagamit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang Senado bilang sanctuary kung maglalabas ang International Criminal Court (ICC) ng pag-aresto sa kanya dahil ang proteksyon ay limitado sa ilalim ng Konstitusyon.
Sinabi ni Lacson na malinaw sa Saligang Batas sa nasabing usapin.
Ayon kay Lacson, kung ang parusa ay mas mababa sa anim na taon, may immunity sa pag-aresto kung nakasesyon ang Kongreso.
Gayunpaman, sinabi ni Lacson na suportado ng mayorya ang pahayag ni Senate President Vicente Sotto na habang nasa premises ng Senado si Dela Rosa, dapat na ipatupad ng law enforcement agencies ang courtesy at huwag isilbi ang warrant of arrest sa loob ng premises ng Senado.
Sa ngayon ay wala pang natatanggap ang pamahalaan na official communication mula sa Department of Foreign Affiars o sa
Philippine Center on Transnational Crime tungkol sa pagtanggap sa nasabing warrant.
Ito ay sa kabila ng sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin remulla kamakailan na inilabas na ang ICC order para sa pag-aresto kay Dela Rosa.









