Inihayag ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na bagamat nasa may authority ang Senado na magbigay ng certified true copies ng transcripts ng pagdinig sa drug war sa International Criminal Court (ICC), ito ay katumbas ng pagkilala sa hurisdiksion korte sa ating bansa.

Gayonman, sinabi ni dela Rosa na kukuwestionin niya si Senate President Francis Escudero kung isusumite ang mga dokumento sa ICC.

Matatandaan na umalis ang ating bansa sa ICC noong March 13, 2018, noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Una na ring sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong October 14 na walang plano ang bansa na bumalik sa ICC.

Ang mga pahayag ni dela Rosa ay sa gitna ng mga panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isumite ang findings ng kamakailan lang ay House quad-committee investigation, kung saan kabilang ang expose ni retired police colonel Royina Garma sa ICC bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon sa umano ay crimes against humanity sa drug war ng Duterte administration.

-- ADVERTISEMENT --