
Iniiwasan umano ni Senator Ronald dela Rosa na magpakita sa publiko para sa kanyang kaligtasan sa gitna ng ulat na may lumabas nang warrant of arrest laban sa kanya mula sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Atty. Isaraelito Torreon, abogado ni Dela Rosa na nakataya ang personal na kaligtasan, subalit hindi umano siya maaaring magsalita para sa Senador kahit siya ang kanyang abogado.
Ipinaliwanag pa ni Torreon na walang malinaw na palisiya o walang batas ang bansa kung paano pamahalaan ang isang pagsuko.
Aniya, ito ay dahil sa pahayag ng pamahalaan na gagamitin nila ang modality of surrender sa halip na extradition sa ilalim ng Section 17 ng Republic Act 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.
Matatandaan na pinuna ang hindi pagpapakita ni Dela Rosa sa Senado.










