Inihayag ni Senator Roland “Bato” dela Rosa na gusto niyang bisitahin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Sa panayam, sinabi ni Dela Rosa na nais din niyang mag-apply ng Shenegen visa.

Kasabay nito, isinantabi ni Dela Rosa ang posibilidad na aarestohin din siya kapag pumunta siya sa The Hague.

Ayon sa kanya, magsusuot siya ng wig o magbabalatkayo para hindi siya makilala ng arresting officers kung pupunta siya sa nasabing bansa.

Pabiro pa niyang sinabi na gagamit siya ng iba’t ibang wigs, kabilang ang afro.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, sinabi ni Dela Rosa na plano niyang mag-apply ng visa bago o pagkatapos ng eleksyon sa buwan ng Mayo, manalo o matalo siya sa bilang senador.

Nahaharap si Dela Rosa sa kasong crimes against humanity sa kanyang naging papel sa madugong war on drugs ng Duterte administration.

Matatandaan na sinabi ni Atty. Kristina Conti, International Criminal Court (ICC) assistant to the counsel, posibleng ang susunod na makakatanggap ng arrest warrant ay sina Dela Rosa at retired police chief Oscar Albayalde.