Hindi umano nagtatago si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon sa kanya, nasa “secret” na lugar umano siya ngayon sa Pilipinas at hindi na nagbigay ng detalye.
Nilinaw niya na walang dahilan para siya ay magtago.
Una rito, pinabulaanan niya ang mga espekulasyon na siya ay nagtatago matapos na maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duerte, na ngayon ay nasa The Hague, Netherlands dahil sa crimes against humanity sa pagpapatupad ng war on drugs.
Si Dela Rosa na dating PNP chief noong Duterte administration ang nagpatupad ng madugong kampanya laban sa ilegal na droga na batay sa records ng PNP, nasa 6,000 ang namatay sa mga operasyon, subalit sinasabi naman ng human rights groups na mahigit 30,000 ang napatay.
Matatandaan na sinabi ni Atty. Kristina Conti, International Criminal Court assistant to counsel, posibleng si Dela Rosa at isa pang datig national police chief na si Ocar Albayalde ang susunod na makakatanggap ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).