May hinala si Senator Bato dela Rosa na nakikipag-ugnayan ang mga miyembro ng Marcos administration sa “leftists” at “yellows” para puntiryahin si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga kaalyado.

Ayon sa kanya, napakasakit isipin na ganito ang ginagawa ng administrasyon.

Tinukoy ni Dela Rosa ang ilang circumstances sa kanyang hinala, kabilang dito ang paggamit umano sa Makabayan Bloc para busisiin at batikusin ang intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education, ang paghahanap ng mga testigo na bumaliktad at magsagawa ng affidavit laban sa kanya at ni dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court, at ang paggamit kay dating Senator Antonio Trillanes na tinawag niyang “attack dog.”

Pinangalanan din niya si National Intelligence Coordinating Agency Director Ricardo de Leon na siyang aktibo na nakikipagtrabaho sa mga nasabing grupo laban sa Duterte.

Bagamat, iginiit ng Senador na ito ay kanyang impression lamang, sinabi niya na tila may alyansa ang pagitan ng political groups.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi rin ni Dela Rosa na hindi siya tiyak kung mismong si Pangulong Marcos ay nakikipag-ugnayan sa sinasabi niyang leftists at yellows para tirahin si Vice President Duterte.

Ang mga pahayag ni Dela Rosa ay sa gitna ng kasalukuyang imbestigasyon sa kamara tungkol sa brutal na drug campaign ni Duterte, extra judicial killings, maginbg ang Philippine offshore gaming operators.