Sinubukan umano ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na magbalatkayo, subalit nabigo ito.

Nangyari umano ito noong nasa Bicol siya, kung saan nagsuot siya ng sombrero at face mask, subalit nakilala pa rin siya ng isang vendor ng kamote.

Dahil dito, napilitan umano siyang bumili ng tinda ng nasabing tindero para hindi lamang umano siya mag-ingay.

Sinabi niya na hindi kaya na maitago ang kanyang mukha, kung sakali na balak niyang mag-disguise para takasan ang posibleng pag-aresto sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Sa gitna ng banta ng posibleng pag-aresto, sinabi niya na patuloy pa rin ang kanyang pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mangampanya.

-- ADVERTISEMENT --

Si Dela Rosa at dating pangulong Rodrigo Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity sa ICC may kaugnayan sa war on drugs ng Duterte administration.