Nagwalkout kahapon si Sen. Nancy Binay sa pagdinig ng Senate committee on accounts na pinamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano kaugnay sa gastos sa New Senate Building.

Bagaman at hindi mi­yembro ng komite si Binay, dumalo ito sa pagdinig dahil narinig niya na sinabi ni Cayetano na welcome siya sa hearing.

Si Binay ang dating chair ng accounts committee na humahawak sa proyekto ng New Senate Building.

Nagsimula ang tensiyon nang tanungin ni Binay ang kinatawan ng Department of Public Works and Highways sa budgetary cost ng bagong gusali.

Pero kinontra ni Ca­yetano si Binay at binanggit ang data mula sa DPWH na diumano ay nagpakita ng P23 bilyong cost estimate ng bagong gusali. Ang mga numero ay nagmula umano sa mga staff ni Binay.

-- ADVERTISEMENT --

Inakusahan din ni ­Cayetano si Binay na nanggugulo sa pagdinig.

Nilinaw naman ni Binay na ang tanging layunin niya ay tapusin ang pagtatayo ng bagong gusali.

Inakusahan din ni ­Cayetano si Binay na gu­magawa umano ng mga isyu matapos iugnay ang proyekto ng New Senate Building sa lokal na pulitika sa Makati at Taguig.

Ipinahiwatig pa ni ­Cayetano na maaaring ibinigay ni Binay ang mga tanong ng media sa kanya.

Matapos mag walk-out ni Binay, sinabi ni Cayetano na, nabuang na ang Senadora