Nanawagan si Senator Bong Go sa publiko na maging maingat at alerto kasunod ng kumpirmadong pagkalat ng monkeypox (mpox) sa ilang bahagi ng bansa tulad ng Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Baguio City, at kamakailan, Davao City.

Dalawang bagong kaso ang naitala sa Davao noong Abril 16, kung saan isa sa mga pasyente—na severely immunocompromised—ang pumanaw dahil sa komplikasyon. Agad namang na-isolate ang mga pasyente sa Southern Philippines Medical Center.

Ayon kay Go, hindi kailangang mag-panic pero mahalaga ang pagiging maalam at maingat.

Binigyang-diin niya ang apat na simpleng hakbang para makaiwas sa mpox: iwasan ang close contact sa mga may sintomas, palaging hugasan ang kamay, linisin ang mga gamit o lugar, at iwasan ang mga hayop na maaaring may sakit.

Hinimok din niya ang lahat na sundin ang health protocols at maging updated sa mga anunsyo ng mga otoridad.

-- ADVERTISEMENT --

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, iginiit din ni Go ang kahalagahan ng maagap at matatag na sistema sa pagtugon sa anumang banta sa kalusugan.