Humarap sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Senador Francis Escudero ngayong hapon.
Ayon kay Escudero, patutunayan niya sa kaniyang testimonya sa ICI ang hinggil sa ibinunyag ni Navotas Cong. Tony Tiangco kaugnay ng isyu sa budget insertions.
Sinabi ni Escudero na kabilang sa kaniyang sasagutin sa komisyon ang posibleng proseso ng pag-amyenda sa panukalang national budget at ang hinggil sa isyu ng ghost projects.
Sa isyu naman ng hinggil sa kung sino ang dapat maging state witness sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects, sinabi ni Escudero na ang korte ang dapat na magpasya kung si dating DPWH Engr. Brice Hernandez ba o ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang dapat na maging testigo.
Inantabayanan din ang pagharap sa ICI ni House Speaker Faustino Dy III.