
Nanawagan si Senator Erwin Tulfo na gawing mas ligtas, simple at madaling gamitin ng lahat ng Pilipino ang mga serbisyong pinansyal.
Ayon kay Tulfo, ilan sa mga hadlang sa financial services ang komplikadong requirements, digital processes, minimum balance at kakulangan ng impormasyon kung saan maaaring humingi ng tulong o makapag-withdraw nang walang dagdag na bayarin.
Hinimok niya ang mga bangko, e-wallets, fintech companies, telecommunications providers at regulators na magtulungan upang mabawasan ang mga hadlang sa paggamit ng financial services, lalo na para sa mga magsasaka, senior citizens, estudyante at maliliit na negosyante.
Samantala, nanawagan si Tulfo sa Bangko Sentral ng Pilipinas na tiyaking nararamdaman ng ordinaryong Pilipino ang mga programa para sa financial inclusion.
Batay sa Consumer Finance and Inclusion Survey ng BSP, nasa 50 porsyento lamang ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang may formal financial accounts noong 2025, habang 86 porsyento naman ng mga household ang may access sa mga ito.










