Ibinasura ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang mga espekulasyon na papalitan niya si Francis Escudero na Senate president.
Gayonman, kinumpirma niya na may tangka na patalsikin si Escudero nitong nakalipas na dalawa o tatlong linggo.
Ayon sa kanya, nagugulat siya sa mga usap-usapan na papalitan niya si Escudero na wala umano katotohanan.
Sinabi niya na komportable siya sa pamumuno ni Escudero sa Senado.
Kasabay nito, sinabi ni Estrada na walang lumapit sa kanya para hingin ang kanyang suporta sa planong pagpapatalsik kay Escudero.
-- ADVERTISEMENT --
Pinabulaanan din ni Estrada na may kaguluhan sa Senado.
Sinabi naman ni Escudero na nasa kamay ng mayorya ang kapalaran ng mga opisyal ng Senado, kabilang ang Senate president.