TUGUEGARAO CITY- Tiniyak ni Senator Win Gatchalian na may kahahatungan ang gagawing imbestigasyon ng kongreso sa mga nararanasang mawalang pagbaha sa Cagayan.

Sinabi ni Gatchalian na iimbitahan nila sa imbestigasyon si Governor Manuel Mamba para ilatag ang mga karanasan sa tuwing may mga pagbaha.

Binigyan diin ni Gatchalian na kailangan na magkaroon na ng solusyon sa paulit-ulit na mga pagbaha sa Cagayan tulad na lamang ng pagtatatag ng Department of Water na mangangasiwa sa water resources ng bansa tulad ng Magat Dam sa Isabela.

Bukod dito, sinabi niya na kailangan din ang pagtanggal sa mga naiimbak na lupa sa mga dams upang hindi ito mabilis na mapuno at kailangan din ang pangangalaga sa mga watershed areas.

Nagtungo si Gatchalian sa Tuguegarao City kung saan namahagi siya ng bigas, face mask at face shield at mga tsinelas na kanyang ipinasakamat kay Mamba na tulong niya sa mga sinalanta ng malawakang pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --