Inihayag ni Senator Risa Hontiveros na hindi bahagi ng kanyang plano ang tumakbo bilang president sa 2028.

Sinabi niya na ang tiyak lamang niya ay magkakaroon ang oposisyon ng kanilang sariling senatorial bets sa 2025 midterm elections at posibleng full slate sa 2028.

Umaasa siya na sa 2027 ay magiging malakas na ang kanilang hanay para makapagpatakbo ng kanilang sariling mga kandidato sa ilalim ng opposition coalition, isang independent grupo o ibang pangalan.

Sinabi niya na magkakaroon ng mahalagang announcement para sa 2028 presidential elections sa 2027.