Ikinwento ni Senadora Imee Marcos sa kanyang video post sa social media na mayroong tumawag sa kanya na nerbyos na nerbyos at humiling ito na huwag muna siyang lumabas nang lumabas.

Ayon kay Marcos, kaya ayaw siyang palabasin muna ang tumwag sa kanya ay baka magaya siya kay ‘Jay Sonza’ na hinuli kamakailan dahil sa di umano’y pagkakalat ng maling impormasyon hinggil sa kalusugan ng Pangulo.

Ayon pa raw sa naturang caller, galit ngayon sa senadora ang Palasyo dahil sa nabanggit nito sa isang interbyu sa Cebu na pabalik-balik sa ospital ang Pangulo.

Pero depensa ng senadora, ang kanyang sinabi noon sa media ay galing lang din sa mga impormasyong sinabi sa kanya ng Palasyo at ng mga naging abala sa pag-aasikaso sa kanyang kapatid.

Sa huli, kinwestyon ng senadora kung bakit tila nagiging national security na ngayon ang pagsasabi ng katotohanan.

-- ADVERTISEMENT --