
Inakusahan ni Senador Imee Marcos ang kanyang kapatid, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pati na rin ang Unang Ginang Liza Araneta Marcos at kanilang mga anak, ng paggamit ng droga.
Sa isang pagtitipon ng Iglesia ni Cristo sa Maynila na dinaluhan ng tinatayang kalahating milyon, sinabi ni Imee na matagal na niyang nalalaman ang paggamit ng droga ng Pangulo mula pagkabata pa lamang nito.
Ayon sa kanya, lalo raw lumala ang adiksyon ni Bongbong matapos itong magpakasal kay Liza, na sinabing gumagamit rin ng ilegal na droga.
Kasama rin sa mga inakusahan ang mga anak ng Pangulo, kabilang si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos, at umano’y hinihikayat din ang iba pang kamag-anak na gumamit ng droga.
Samantala, tinawag naman ito ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na “desperate move.”
Aniya, ang pinag-uusapan ay ang rally patungkol sa korupsiyon, at ano umano ang dahilan nito para siraan ang kapatid.










