
Kinumpirma ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson noong Huwebes na papalitan si Senator Imee Marcos bilang chairperson ng Senate Foreign Relations Committee.
Ani Lacson, posibleng naipaalam na ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay Marcos ang pagbabago ng chairmanship, na maaaring ipatupad sa susunod na linggo.
Dagdag pa niya, bilang kapalit, pumayag si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na isuko ang chairmanship ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes kay Marcos bilang gesture of goodwill.
Nasa senadora na umano ito kung tatanggapin niya o hindi.
Nilinaw din ng senador na wala siyang kinalaman sa pagpapalit ng chairmanship.
Kabilang sa mga posibleng pumalit sa kanya ang Senator Erwin Tulfo.
Matatandaang naunang binanggit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang posibilidad ng shake-up sa pamumuno ng ilang komite matapos ang caucus ng Senate majority bloc nang magsimula muli ang sesyon matapos ang isang buwang legislative break.










