Inihayag ni Senator Jinggoy Estrada na handa siyang lumagda ng waiver para buksan at maimbestigahan ang kanilang mga bank accounts.
Ito ang iginiit ng senador sa plenaryo matapos makaladkad ang pangalan sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Sa manifestation ni Estrada ay hindi nito naiwasang makapagsalita ng hindi maganda at magalit dahil sa mga walang batayang pahayag ng dating Bulacan Assistant District Engineer na si Brice Hernandez.
Bukod aniya sa walang basehan ay sila pa ni Villanueva ang na-front page sa mga balita at sila pa ang maiimbestigahan at hindi ang mga kongresista.
Ito aniya ba ay dahil sa sikat silang mga senador kaya sa kanila na nakatutok ang isyu.
-- ADVERTISEMENT --