Mariing pinabulaanan ni Senator-elect Panfilo “Ping” Lacson ang mga alegasyon na nagkaroon siya ng pulong kay Vice President Sara Duterte.
Binigyang-diin ni Lacson na walang katotohanan at malisyoso ang nasabing tsismis.
Ang pahayag ni Lacson ay bunsod ng kanyang natatanggap na mga ulat na nakipagpulong siya kasama ang isa pang nanalong Senador kay VP Duterte kamakailan.
Ayon kay Lacson, hindi siya maaaring makipagpulong kay VP Duterte bilang isang nanalong Senador na potensiyal na maging isang senator-judge sa impeachment trial ni Duterte sa sandaling simulan na ang proseso sa 20th Congress.
Iginiit niya na hindi tama na makipagkita kay Duterte, bilang respondent sa nasabing impeachment case na naipadala na sa Senado.
-- ADVERTISEMENT --