Iginiit ni Senator Imee Marcos na nananatili pa ring may kaso si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kahit pa ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong inihain ng senadora laban sa kalihim patungkol sa pag-aresto at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Sen. Marcos na naghain kaagad siya ng motion for reconsideration (MR) para rito matapos na ibasura ng Ombudsman ang kaso.

Batay aniya sa Rules of the Office of the Ombudsman (A.O. 7 series of 1990), maaaring magsampa ng mosyon sa loob ng limang araw mula nang makatanggap ng abiso ng desisyon.

Malinaw aniya na may kaso pa rin si Remulla dahil sa mosyon.

Kabilang si Remulla sa mga aplikante sa posisyong Ombudsman at mangangailangan ng clearance bago maisama sa shortlist ng Judicial and Bar Council ang kanyang pangalan.

-- ADVERTISEMENT --