
Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon si presidential sister at Senator Aimee Marcos sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) sa March 20.
Sinabi ni Sen. Marcos na bilang chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, nananawagan siya ng urgent investigation sa pag-aresto kay Duterte, isang issue na nagdulot umano ng pagkawatak-watak ng bansa.
Ayon sa kanya, tama lang na malaman kung sinunod ang due process, at matiyak na iginalang at naprotektahan ang karapatan ng dating pangulo, lalo na at sangkot dito ang International Criminal Police Organization (Interpol) at International Criminal Court.
Sinabi ng senador na iimbitahan ang mga opisyal ng Philippine National Police, Department of Transportation-Office for Transport Security, Department of Justice, Department of Foreign Affairs, National Security Council, Civil Aviation Authority of the Philippines, at iba pang resource persons and witnesses.
Iginiit niya na kailangan na matugunan ng Senado ang critical concerns para mapanindigan ang hurisdiksyon ng bansa at linawin ang mga patakaran na sumasaklaw sa law enforcement agencies at ang kanilang pakikipag-ugnayan sa international tribunals.