Tutol si Senator Aimee Marcos sa panukalang na buhayin ang e-sabong, o online cockfighting sa bansa at huwag isama sa ban ang 12 Philippine Offshore Gaming Operators (Pogo).

Sinabi ni Marcos na nagulat siya sa panukala dahil sa wala na ang e-sabong at Pogo, at ngayon ay may mga nagsusulong na ibalik ang mga ito.

Binigyang-diin ni Marcos na kailangan na itigil na ang mga nasabing sugal.

Kasabay nito, nilinaw ni Marcos na hindi siya tutol sa sugal dahil sa kumikita ang pamahalaan mula dito.

Subalit, ipinaliwanag niya na ang problema, tulad ng e-sabong, hindi maayos na ma-regulate ang Pogo.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, hindi namomonitor, hindi nababantayan o nahuhuli ang mga sangkot sa illegal gambling.

Sinabi niya na kung mabibigay ng sakit ng ulo ang mga sindikato at maraming krimen na sangkot sa nasabing mga operasyon, mas mainam na itigil na ang mga ito.

Idinagdag pa niya na may iba nang pangalan ang Pogo, ang IGL o Internet Gaming Licensee at may mga sinasabi na panatilihin ang 12 pinakamalalaking Pogo dahil sa 42,000 na trabaho umano ang mawawala.