Mariing pinabulaanan nina dating DPWH Secretary at ngayo’y Senador Mark Villar at dating senadora Grace Poe ang mga alegasyong ibinabato sa kanila ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.

Sa second affidavit ni Bernardo, sinabi niya na nakakatanggap daw noon ng porsyento si Villar mula sa mga approved projects tulad ng EDSA at iba pang pangunahing daan.

Samantala, nasa 20% naman daw ang komisyong nakukuha ni Poe mula sa mga proyekto.

Bilang tugon sa mga alegasyng ito, iginiit ni Villar na isa lang itong malaking kasinungalingan.

Hinimok din niya ang publiko na iwasan ang agarang paghusga dahil sa posible ‘manufactured’ o ‘tailored’ affidavit ng isang tao.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabilang banda, hindi naman naiwasan pang malungkot ni Poe dahil sa balita na ito pero pagtitiyak niya, hindi siya kailanman nasangkot sa anumang korapsyon.

Umaasa naman siya na titignang mabuti ng Department of Justice ang tungkol sa akusasyong ito.