Naghain na si Sen. Nancy Binay ng ethics complaint laban kay Sen. Alan Peter Cayetano dahil sa name-calling sa kanya at hindi magandang asal nito sa pagdinig sa senado nitong nakalipas na linggo.

Ang reklamo ni Binay ay kasunod ng sagutan ng dalawang senador sa pagdinig ng Senado sa tumataas na presyo ng New Senate Building (NSB) sa Taguig.

Sa nasabing pagdinig, iginiit ni Cayetano na na ang kabuuang presyo ng nasabing gusali ay P23 billion.

Sinabi naman ni Binay na batay sa data ng Department of Public Works and Highways (DPWH), aabot sa P21 billion.

Dahil dito, sinabi ni Cayetano na ginugulo ni Binay ang pagdinig.

-- ADVERTISEMENT --

Nagresulta ito sa name-calling, personal na pag-atake, at mga akusasyon, at humantong sa alegasyon na nagbibigay si Binay ng mga tanong sa ilang media practitioners para siraan ang mga kapwa senador.

Pinaalalahanan pa ni Cayetano na ang pangalan ni Binay ay Lourdes at hindi Marites, isang salita na madalas na ginagamit sa bansa na inilalarawa na tsismosa.

Nag-walk-out si Binay sa nasabing pagdinig.