
Nagpaliwanag si Senador Robinhood Padilla kaugnay ng kanyang ginawang pagkukumpara sa yumaong Iranian Supreme Leader na si Ayatollah Sayyid Ali Khamenei sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko.
Sa kanyang privilege speech kagabi, sinabi ni Padilla na kung may tinatawag na Pope ang Simbahang Katoliko, mayroon ding katumbas na spiritual leader sa Iran, gaya ni Khamenei.
Umapela rin ang senador na huwag agad tawaging terorista si Khamenei, dahil bukod sa pagiging lider ng bansa, siya rin ay spiritual leader ng mga Muslim sa Iran.
Ayon kay Padilla, masakit ito sa kanilang pananampalataya dahil pinaniniwalaang apo si Khamenei ni Propeta Muhammad.
Pinaliwanag ng senador na ang kanyang pagkukumpara ay layuning ilarawan nang simple ang antas ng relihiyoso at politikal na impluwensya ng yumaong lider.
Aniya, ang analogy ay para mas madaling maunawaan ng publiko ang mahalagang papel ni Khamenei sa parehong relihiyon at politika sa Iran.










