Tiniyak ni Senator Risa Hontiveros na tututokan nila ang paghahanap sa tunay na Alice Real Guo na hanggang ngayon ay hindi malaman kung buhay pa.

Matapos nga kumpirmahin ng NBI na ang fingerprint ni Mayor Alice Guo at Guo Hua Ping ay iisa, nababahala ngayon ang Senadora kung nasaan ang isang natukoy na Alice Leal Guo na residente rin ng Tarlac.

Nang puntahan kase ang address nito na nakalagay sa NBI clearance, hindi ito nakatiradoon.

Iba rin ang pamilya na naroroon, ibang apelyido at pinapaupahan ang bahay.

Hindi mas naklaro ang misteryo, nadagdagan pa. Dahil kwestyunable pa rin kung sino itong isang Alice Leal Guo.

-- ADVERTISEMENT --

Kaya naman, tututokan aniya nila ito at nangako na ang NBI noong nakaraanv hearing na sa susunod na pagdinig ay iuulat nila kung ano ang nalaman nila tungkol dito sa isang Alice Leal Guo.

Ang identity theft ay hindi lamang umano doon sa isa pang Alice Guo pero doon pa sa mga nabanggit na pangalan sa mga pagdinig, partikular na doon sa tatlo pang Pilipina na mukhang basta-basta nalang daw inilagay ang mga pangalan at pekeng BIR TIN ni Ms. Merlie doon sa incorporation papers ng Pogo Hub sa Bamban.

Una nang iniulat na isa pang indibidwal na nagngangalang Alice Leal Guo ang natuklasan sa database ng National Bureau of Investigation, sa isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senado noong Miyerkules.

At ang pangalan na Alice Leal Guo ay ginagamit ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kanyang mga personal na dokumento.

Bukod sa magkatulad na spelling ng mga pangalan ng dalawang indibidwal, ipinakita rin sa dokumento na pareho sila ng kaarawan, Hulyo 12, 1986 at iisang lugar ng kapanganakan sa Tarlac.