Nagbabala si Senate President Vicente Sotto III ng kaguluhan at kawalan ng katiyakan kung magkakaroon ng snap election na mungkahi ng kanyang kapwa Senador.

Sinabi ni Sotto na walang COnstitutional at at legal framework para sa snap election.

Iminungkahi kahapon ni Senate Minority Leader Peter Cayateno na magbitiw ang mga nakaupong mga opisyal, mula Kongreso hanngang Malacañang sa gitna ng serye ng corruption scandals na yumayanig sa pamahalaan.

Bukod dito, sinabi ni Cayateno na hindi papayagan ang mga nakaupong mga opisyal na tumakbo sa snap election.

Matatandaan na maraming miyembro ng Senado at Kamara ang inakusahan na tumanggap ng kickbacks mula sa multi-billion na halaga ng flood control projects ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --