
Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na nasa pagpapasya ng Senate impeachment court kung may naging bias sa imbestigasyong iniharap bilang ebidensiya sa impeachment trial.
Ayon kay defense spokesperson Atty. Michael Poa, hindi nila maaaring basta igiit sa publiko na may kinikilingan ang imbestigasyon dahil ang paghusga rito ay nakasalalay sa mga senator-judges batay sa mga ebidensiyang naiprisenta.
Sinabi ni Poa na mahalagang usapin ang umano’y bias dahil maaari itong makaapekto sa kabuuang imbestigasyon, lalo na sa alegasyong nakatuon lamang ito sa banta laban sa Pangulo at hindi sa umano’y banta laban sa Bise Presidente.










