
Isinailalim sa lockdown ang Senado nitong Lunes, Mayo 11, matapos ang ulat na may tangkang pag-aresto umano kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa ng National Bureau of Investigation.
Kasama umano sa grupo si dating Senador Antonio Trillanes IV nang pumasok sa Senado upang isilbi ang arrest order mula sa International Criminal Court laban kay dela Rosa.
Dahil dito, agad na isinara ang mga access sa gusali at hindi pinayagang makalabas o makapasok ang sinuman sa loob ng Senate compound habang nagpapatuloy ang insidente.
Wala pang pormal na kumpirmasyon mula sa Senado, NBI, o ICC hinggil sa mga detalye ng naturang operasyon at kung may aktwal na arrest warrant na isinilbi.
Patuloy pang inaalam ang kabuuang pangyayari sa loob ng Senado habang nananatiling naka-lockdown ang lugar.










