Inanunsyo ng Senado ang mga bagong mamumuno sa ilang komite kasunod ng pinakabagong pagbabago sa liderato ng kapulungan.

Sa mosyon ni Sen. Migz Zubiri, itinalaga sina Sen. JV Ejercito sa Committee on Finance, Sen. Tito Sotto sa National Defense and Security, at Sen. Ping Lacson sa Public Order and Dangerous Drugs at Committee on Accounts.

Pinamumunuan naman ni Sen. Erwin Tulfo ang Blue Ribbon Committee at Social Justice Committee, habang itinalaga sina Sen. Raffy Tulfo sa Public Services, Sen. Bam Aquino sa Basic Education, Sen. Kiko Pangilinan sa Agriculture, at Sen. Risa Hontiveros sa Health and Demography.

Naging chairman din si Sen. Lito Lapid ng Committee on Games and Amusement, si Sen. Chiz Escudero sa Urban Planning, Housing and Resettlement, at si Sen. Zubiri sa Foreign Relations at Committee on Rules.

Kasunod ito ng pagkakahalal kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at pag-upo bilang acting Senate President matapos makabuo ng quorum ang Senado.

-- ADVERTISEMENT --