Nagbabala ang Malacañang na maaaring maantala ang pagpasa ng mga priority bills ng administrasyong Marcos kung magpapatuloy ang mga tensyon at bangayan sa Senado.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, posibleng maapektuhan hindi lamang ang Pangulo kundi pati ang taumbayan at ang ekonomiya kung hindi maaayos ang sitwasyon sa Mataas na Kapulungan.

Giit niya, maraming panukalang batas ang itinuturing na prayoridad ng administrasyon at mahalaga ang agarang aksyon ng Senado bago ang sine die adjournment ng unang regular session ng 20th Congress sa Hunyo 6.

Dagdag pa ng Palasyo, ang mga sigalot sa loob ng Senado ay maaaring makapagpabagal sa legislative agenda ng pamahalaan.

Kabilang sa mga priority measures na inaprubahan ng administrasyon sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council ang panukalang Anti-Political Dynasty Law, Independent People’s Commission Act, Travel Tax Abolition, at CADENA Act, bukod sa iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Magbabalik naman ang sesyon ng Kongreso sa Hulyo 27, kasabay ng ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.