Muling bubuksan ng Senate panel on women ng pagdinig sa mga krimen na nagawa umano ni Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa October 23, pitong buwan buhat ng huling pagdinig ng Senado.
Sinabi ni Senator Risa Hontiveros, katulad nang ginawa sa ibang resource persons na nasa ilalim ng kustodiya ng korte, hihilingin ng panel on women sa korte na payagan si Quiboloy na dumalo sa pagdinig.
Idinagdag pa ni Hontiveros na ang mga victim-survivors na una nang tumestigo ay muling haharap sa pagdinig at magsasalita din mga bagong victim-survivors sa kanilang pagnanais na makuha ang hustisya.
Si Quibiloy ay nahaharap sa kasong human trafficking, child abuse, at panggagahasa sa mga miyembro ng KOJC.