Mananatiling bakante ang Senate seat ni incoming Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara hanggang sa mapunan ito sa 2025 midterm elections ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Subalit maaaring maghalal ng kapalit ni Sen. Angara kung magpapatawag ang Senado ng isang special election ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Paliwanag pa ng poll body chief na huling termino na din ni Sen. Sonny Angara at tanging 12 Senador lamang ang ihahalal sa 2025 election.

Ginawa ng Comelec official ang pahayag matapos i-anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw na kanyang itatalaga si Angara bilang bagong kalihim ng DepEd.

Ito ay kasunod ng pagbibitiw ni VP Sara Duterte bilang DepEd chief noong Hunyo 19 na magiging epektibo naman sa Hulyo 19.

-- ADVERTISEMENT --