
Nakatanggap daw ng impormasyon ang brodkaster na si Mon Tulfo na ‘di umano ay aarestuhin na raw si Senador Bato dela Rosa ngayong araw.
Sa Facebook post ni Tulfo, sinabi nitong tukoy na raw ang kinaroroonan ng senador, at hawak na raw ng mga otoridad ang arrest warrant ng ICC laban sa dating PNP chief.
Kung maaalala, una nang nilinaw ng mga PH agencies na wala pa ring natatanggap na arrest warrant ang Pilipinas.
Mula nang mabanggit ni Ombudsman Boying Remulla na ‘di umano’y may arrest warrant na si Senator Bato, hindi na siya pumasok sa Senado.
Sa kabila nito, mayroong mga ilang larawan na pino-post ang Senador sa kaniyang social media accounts.
Unang sinabi ng DILG na na-monitor si Bato sa ilang mga lugar sa Pilipinas sa nakalipas na mga linggo.










