
Mariing tinanggihan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang panawagan ng ilang senador na sumuko siya sa International Criminal Court kaugnay ng inilabas na warrant of arrest laban sa kanya.
sinabi ni dela Rosa na mas marami umanong Pilipino ang humihikayat sa kanya na huwag magpasakop sa ICC dahil hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas.
Iginiit din niya na may bahid pulitika ang kaso laban sa kanya.
Nauna nang naghain ng resolusyon sina Senador Francis Pangilinan, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Vicente Sotto III, at Bam Aquino na nananawagang boluntaryo siyang sumuko sa mga awtoridad.
Samantala, hinikayat din ng National Bureau of Investigation si dela Rosa na makipagtulungan upang maiwasan ang kaguluhan at masunod ang tamang proseso.
Kaugnay ito ng imbestigasyon ng ICC sa madugong kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabila nito, sinabi ni dela Rosa na hindi siya susuko.










