Nagbabala si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa mga negosyante laban sa profiteering at hoarding habang tumataas ang presyo ng bilihin dahil sa krisis sa Middle East.

Ayon sa kanya, ilegal ang sobra-sobrang taas-presyo at pagtatago ng suplay sa ilalim ng Republic Act No. 7581, na may parusang pagkakakulong, multa, at pagsasara ng negosyo.

Mahigpit umanong mino-monitor ng Department of Trade and Industry at Department of Agriculture ang mga presyo, at hinikayat ang publiko na i-report ang mga lumalabag.