
Nahaharap ngayon sa plunder complaints kaugnay ng mga flood control infrastructure projects sina Senator Jinggoy Estrada at dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr., ayon sa ulat ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.
Sinabi ni DOJ spokesperson Polo Martinez na nagsampa ng hiwalay na plunder complaints ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kina Revilla at Estrada.
Aniya, kabilang sa mga high-profile personalities na may kinalaman sa isyu si dating Ako-Bicol party-list representative Zaldy Co, na dati nang kinasuhan sa parehong kontrobersiya.
Dagdag pa niya, ang mga posibleng paglabag ay nauugnay sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards.
Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag sina Estrada at Revilla kaugnay sa reklamo.










