Handang-handa na ang mga security forces sa lambak cagayan sa pagdaraos ng halalan sa darating na mayo 9
Kahapon ay isinagawa ang Simultaneous Multi-Agency Send-Off Ceremony sa mga magbabantay sa National and Local Elections sa Police Regional Office 2.
Ang mga contingents ng police regional office number 2 ay kinabibilangan ng 203 na miembro ng PNP Regional Headquarters Reactionary Standby Support Force; 114 Quick Response Team; 200 personnel mula sa Regional Support Units at isang company mula Regional Mobile Force Battalion 2.
Dagdag pa rito ang anim mula sa Regional Medical and Dental Unit 2; tig-dalawang team mula sa Regional Explosive and Canine Unit 2 (RECU 2) at Regional Maritime Unit 2; at isang team mula sa Regional Highway Patrol Unit 2.
Kasama rin sa contingent ng regional command ang isang team mula sa 14th Special Action Battalion, PNP Special Action Force; isang platoon mula sa 5th Infantry Division, Philippine Army; at isang section mula sa Philippine Coast Guard.
Sa isinagawang seremonya, tiniyak ni PBGEN Steve Ludan, director ng PNP region 2 ang pangunguna ng kapulisan sa pagsiguro ng payapa at tahimik na halalan.
Nanawagan naman si Atty. Julius Torres, regional director ng COMELEC Region 2 sa mga otoridad na bantayan ang kasagraduhan ng mga balota para matiyak ang integridad ng gaganaping halalan
Siniguro naman ni Director Benjamin Paragas ng DEPED Region 2 ang commitment at dedikasyon ng mga guro na maninilbihan sa ibat ibang polling precincts sa rehiyon.
Tiniyak din nina Brigadier General Steve Crespillo, Commander ng 501st Infantry Brigade Philippine Army at Coast Guard Captain Vincent Bingbong Fiesta, Coast Guard North Eastern Luzon ang suporta ng kanilang sangay sa darating na eleksiyon