Inaresto ng mga pulis ang isang 68-anyos na lola matapos matuklasang may nakabinbin siyang warrant of arrest habang kumukuha ng National Police Clearance sa Valenzuela City nitong Biyernes ng hapon.
Lumabas sa e-warrant system na may kaso siya kaugnay ng paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997.
Inisyu ang warrant ng Malabon City RTC Branch 169 na may rekomendadong piyansa na P120,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Gumamit ng body-worn camera ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela CPS sa isinagawang pag-aresto, bilang pagsunod sa transparency at operational standards.
Ipinaalam din sa lola ang kanyang mga karapatan at ang nilabag niyang batas.
Isinailalim muna siya sa medical examination sa Valenzuela City Health Department.
Kasalukuyan siyang nasa pangangalaga ng Custodial Facility Unit ng VCPS habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.