Arestado ang isang senior citizen na lalaki matapos na pagbabarilin ang kapwa motorista at isang pasahero sa alitan sa sa kalsada sa Tanay, Rizal.
Lumabas sa imbestugasyon ng pulisya, bago ang insidente, kinuha ng suspek ang lane ng pickup vehicle.
Nasagi ng sasakyan ng suspek ang side mirror ng pickup, at bigla itong tumigil, na nagbunsod para magbanggaan ang mga ito.
Kinompronta ng suspek ang driver ng pickup vehicle, na may sakay na apat na pasahero.
Bumalik ang suspek sa kanyang sasakyan at kinuha ang kanyang baril at ilang beses na pinaputukan ang driver.
Ayon kay Rizal Provincial Police Office provincial director Police Colonel Feloteo Gonzalgo, pagkataps na pagbabarilin ang driver, umikot ang suspek sa kabilang bahagi ng pickup at binaril ang isang pasahero, na tinamaan sa kanyang paa.
Sinabi ni Gonzalgo na nakalabas na ng pagamutan ang pasahero, habang ginagamot pa ang driver na nasa kritikal na kundisyon.
Nahuli ang suspek sa checkpoint ng Morong matapos ang pagtugis sa kanya ng mga pulis.
Nakuha sa sasakyan ng suspek ang 40-caliber pistol, mga bala, at dalawang matulis na bagay.
Sinabi ni Gonzalgo na may blinker pa sa loob ng sasakyan ng suspek, na ginagamit umano para takasan ang mga awtoridad.
Ayon kay Gonzalgo, inamin ng suspek na siya ang bumaril sa mga biktima dahil sa sobrang galit.
Sinampahan na ng kasong frustrated murder, reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to properties, at illegal possession of firearms and ammunition.