Patay ang isang 61-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang naghihintay ng masasakyan sa isang terminal sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Efren Honor, residente ng Perey 92 sa naturang barangay, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-8:40 ng gabi kamakalawa habang nakatayo ang biktima sa terminal nang bigla siyang lapitan ng mga salarin na kapwa nakasuot ng kapote at itim na bonnet at pagbabarilin.

Agad tumakas ang mga suspek sakay ng isang itim na Honda Wave na walang plaka.

Sa kasalukuyan ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga nasabing suspek.

-- ADVERTISEMENT --