TUGUEGARAO CITY- Isusulong ng samahan ng mga senior citizen sa Lambak ng Cagayan si dating dating Congresswoman Milagros Magsaysay na kapalit ng namapayang si Senior Citizen Partylist Representative Francisco Datol Jr.

Sinabi ni Romeo Allam, regional president ng gFederation of Senior Citizen sa Region 2 na kailangan na may kakatawan pa rin sa kanila sa kongreso para maisulong at mapagtibay ang kanilang mga kahilingan lalo na ang dagdag sa kanilang buwanang pension.

Matatandaan na si kasama si Datol si Magsaysay bilang senior citizens representatives noong 17th Congress.

Samantala, sinabi ni Allam na nakikiramay sa pagpanaw ni Datol.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na nagpapasalamat sila kay Datol dahil sa marami siyang isinulong sa kongreso para sa kanilang kapanan tulad na lamang ng pagbuo sa Commission of Senior Citzen at ang hinaing nila na dagdag sa kanilang buwanang pension.

Bukod dito, sinabi ni Allam na iminungkahi din ni Datol na ibigay ang anim na buwan na pension ng mga senior citizen nang magsimula ang lockdown dahil sa covid-19 pandemic.