Itinakda ng hukom sa New York na humahawak sa hush money case ni US president-elect Donald Trump ang sentensiya niya 10 araw bago ang kanyang inagurasyon sa Enero 20.
Sinabi ni Judge Juan Merchan na si Trump, ang unang dating pangulo na hinatulan dahil sa isang krimen, ay maaaring magpakita ng personal o virtually sa paghahatol sa kanya sa Enero 10.
Sa 18 pahinang desisyon, tinanggihan ni Merchan ang iba’t ibang mosyon mula sa mga abogado ni Trump na humihingi na ibasura ang kanyang hatol.
Hinatulan si Trump sa New York noong buwan ng Mayo sa 24 bilang ng pamemeke ng business records para pagtakpan ang hush money payment sa porn star na si Stormy Daniel sa gabi bago ang eleksion noong 2016 para pigilan siya sa pagsisiwalat ng umano’y sexual encounter noong 2006.