Patuloy ang pagbaba ng inflation rate o ang galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa Region 2 ayon sa National Economic Development Authority (NEDA).
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Engr. Ferdinand Tumaliuan, assistant director ng NEDA RO2 na bumaba sa 0.1% ang inflation para sa buwan ng Setyembre.
Ito ay mas mababa pa kung ihahambing sa 5.4 percent na naitala noong buwan ng Enero.
Ayon kay Tumaliuan, resulta ito ng ipinatutupad na rice tarrification law o pagbaha ng mga imported rice sa pamilihan at pagbaba sa presyo ng petrolyo.
Gayonman, umaasa si Tumaliuan na maaabot ng rehiyon ang target na 2 to 3 percent na inflation ngayong taon.
-- ADVERTISEMENT --