Umabot sa 200 residente ng sitio valley cove, linawan at tabugan ng Brgy Sta Margarita sa bayan ng Baggao ang nabenipisyuhan sa isinagawang serbisyo caravan ng Cagayan provincial task force to end local communist armed conflict.

Ayon sa task force na dating apektado ng insurhensiya ang sitio valley cove kung kayat isinagawa ang caravan para mailapit sa nabanggit na liblib na lugar ang serbisyo ng pamahalaan sa layuning makabuo ng empowered at conflict-resilient community

Sa nasabing aktibidad, nagsagawa ang Provincial Health Office (PHO) ng medical at dental mission at namahagi ng mga gamot habang ang Municipal Health Office ay nagsagawa ng pagbabakuna para sa mga bata.

Namahagi rin ng iba’t ibang goods at family food packs ang Department of Social Welfare and Development  at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan habang ang Local Government Unit (LGU)-Baggao ay nagbigay ng mga sako ng bigas sa mga residente.

Ang Pamahalaang Panlalawigan at ang Lokal na Pamahalaan ay nagbahagi rin ng mga binhi ng gulay.

-- ADVERTISEMENT --

Habang namahagi ng aklat sa mga mag-aaral sa elementarya ang sierra falcones sa pamamagitan ng 95th Infantry Battalion

Nagkaloob naman ang Philippine National Police ng libreng gupit at feeding program at namigay ng mga laruan, tsinelas, at damit sa mga bata.

Ang Technical Education and Skills Development Authority Region 2 (TESDA2) ay namahagi ng IEC materials habang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR2) ay nagbigay ng oryentasyon tungkol sa mga regulasyon sa pangingisda at tumulong sa pagpaparehistro ng mga organisasyon ng mga mangingisda.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga residente na makakuha ng iba’t ibang serbisyo mula sa mga lumahok na ahensya.

Tumulong ang Philippine Statistics Authority sa mga residente sa pag-apply para sa PhilSys.

Bukod dito, pinadali ng Local Civil Registry Office ang pagpaparehistro ng kapanganakan at pag-isyu ng Certificate of Live Birth ng mga residente.

Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay naroon din sa aktibidad upang magbigay ng internet connectivity upang mapakinabangan ng mga residente ang mga nabanggit na serbisyo.

inisyatiba ng 95th Infantry Battalion, Philippine Army ang naturang Serbisyo Caravan na nilahukan din ng mga kinatawan mula sa National

Intelligence Coordinating Agency, 502nd Infantry Brigade, Philippine Army, 2nd CMO Coy, 5CMO Battalion pati na rin ng mga opisyal ng LGU at barangay.