Paiigtingin pa ng Department of Labor and Employment ang employment facilitation services upang mapabuti ang trabaho para sa mga Pilipino.

Sa social media post, ipinakita ng DOLE ang mga programa sa ilalim ng Philippine Labor and Employment Plan 2023–2028 at Trabaho Para sa Bayan Plan 2025–2034, kabilang ang skills development, youth employability, at suporta sa microenterprise.

Binanggit din na pinapalakas nila ang serbisyo ng Public Employment Service Offices (PESOs) na matatagpuan sa mga pangunahing lungsod at bayan at konektado sa DOLE.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba ang employment rate noong Enero 2026 sa 94.2% o 47.94 milyon na nagtatrabaho, mula sa 95.7% noong nakaraang taon.

Ang unemployment rate naman ay 5.8% o 2.96 milyon na walang trabaho.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay PSA Assistant Secretary Divina Gracia del Prado, may 306,000 ang aktibong naghahanap ng trabaho, habang ang iba ay naghihintay pa ng resulta ng kanilang mga aplikasyon.