Tinaya ng state weather bureau na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm Bebinca bukas, Sept. 13, 2024.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), napanatili ni Bebinca ang lakas nito habang tinatahak ang Philippine Sea sa labas ng PAR.

Ang bilis ng hangin nito ay 95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at pabugso na 115 kph.

Inaasahan na papasok sa PAR ang severe tropical storm sa pagitan ng hapon at gabi.

Malamang na si Bebinca ay mananatiling malayo mula sa Philippine landmass.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa sa Pagasa, lalabas ng PAR ang bagyo bukas ng gabi o umaga ng Sabado.

Gayonman, pinapalakas ni Bebinca ang umiiral na southwest monsoon o ang habagat, at posibleng magdadala ng malalakas na ulan at hangin hanggang sa weekend sa maraming bahagi ng bansa.

Namataan ang sentro ni Bebinca sa 1,975 kilometers East of Central Luzon at 1,930 kilometers East of Northern Luzon.

Kumikilos ito sa west west northwestward direction sa bilis na 25 kph.