Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Crising.

Dahil nasa bahagi na ito ng karagatan, bahagya pa itong lumakas at isa nang ganap na severe tropical storm.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 100 kilometro kada oras; at bugsong papalo ng hanggang 125 kilometro kada oras.

Sa kabila nito, kahit nasa labas na ito ng PAR, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa northwestern portion ng Ilocos Norte at ng Babuyan Islands.

Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Sur, at northern portion ng La Union.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga extension din ng kaulapan ng bagyo ang magpapa-ulan sa malaking bahagi ng bansa, kasama ang Hanging Habagat.

Kabilang sa mga makararanas ng matinding pag-ulan ay sa bahagi ng Ilocos Norte, Apayao, Abra at Ilocos Sur.

Malalakas na hangin din ang mararanasan sa Metro Manila, buong Visayas, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Isabela, nalalabing bahagi ng La Union, nalalabing bahagi ng Benguet, Abra, Zamboanga del Norte, Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Surigao del Norte, at Dinagat Islands

Sa huli, HINDI na inaasahang magre-recurve ang bagyo at bumalik ng PAR.