Patuloy na binabaybay ng sentro ng Severe tropical storm Emong ang ilang bahagi ng Northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Calanasan, Apayao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 km/hr malapit sa gitna at pagbugso na 160 km/hr.
Sa bahagi ng kanlurang gitna at katimugang Luzon, maging sa western section ng Visayas, ay umiiral pa rin ang pinag-ibayong Habagat.
Sa labas naman ng Area of Responsibility, ang dating si bagyong Dante ay malayo sa kalupaan ng ating bansa, subalit patuloy pa nitong pinapalakas ang Habagat kasama si bagyong Emong.
Patuloy din na binabantayan ng Pagasa ang tropical storm na may international name na Krosa na nasa karagatang pasipiko, bagamat malayo ito at walang anomang epekto sa ating bansa.
Samantala, nakataas pa rin ang signal no. 3 sa northeastern portion of Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Piddig, Vintar, Adams, Carasi), ang northern portion of Apayao (Calanasan, Luna), at sa northwestern portion of mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona)
Signao no. 2 sa nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, ang northern portion of Ilocos Sur (Santa, Caoayan, City of Vigan, Bantay, Santa Catalina, San Vicente, Santo Domingo, San Ildefonso, Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait), nalalabing bahagi ng Apayao, ang northern portion of Abra (Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Sallapadan, Lagangilang, Danglas, La Paz, Licuan-Baay, Tineg, Malibcong, Peñarrubia, San Isidro, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub), Batanes, at ang northern and western portion of mainland Cagayan (Piat, Camalaniugan, Tuao, Buguey, Aparri, Allacapan, Rizal, Lasam, Ballesteros, Abulug, Santo Niño)
Signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, ang northern portion of La Union (Luna, Santol, City of San Fernando, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Bacnotan, Sudipen, Balaoan), nalalabing bahagi ng Abra, ang northern portion of Benguet (Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias), Kalinga, Mountain Province, Ifugao, the rest of mainland Cagayan, at ang northern portion of Isabela (Quirino, Mallig, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Maconacon, San Pablo, Santa Maria, Cabagan, Santo Tomas, Roxas, San Manuel)
Inaasahang tuluyan nang lumayo ng ating bansa si Emong bukas.
Patuloy na rin ang paghina ng nasabing bagyo ngayong araw at mula sa severe tropical storm ay magiging tropical storm na lamang ito ngayong araw dahil sa interaction sa landmass sa Northern Luzon area.