Nahalughog ng mga otoriddad ang ilang pakete ng pinaniniwalaang shabu sa Bahay ng isang tambay sa Brgy. San Antonio Aparri.

Kinilala ni PLT Gerardo Aggarao, deputy chief of police ng PNP Aparri ang suspek na si Alyas John, 30 anyos na residente sa nasabing lugar.

Hinalughog ang Bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte NG pinagsanib na pwersa ng pnp aparri at maritime group kung saan nakumpiska sa kanyang kwarto ang 6 na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit kumulang P6,000.

Nakumpiska rin ang ilang mga drug paraphernalia tulad ng iba’t ibang aluminum foil at plastic sachet na naglalaman ng residues ng hinihinalang shabu.

Una rito ay matagal ng minamanmanan ang suspek na ikinokonsiderang street level individual matapos ang paggamit at pagbebenta di umano nito ng illegal na droga.

-- ADVERTISEMENT --

Aminado naman si alyas John sa kanyang illegal na aktibidad.